Ako ngayo'y malapit na Sa lupaing masagana, Araw doo'y maligaya't Walang munti mang sakuna.
REFRAIN
O magandang lupang B'yula, Nasasabik ako t'wina; Buhat sa 'yo'y mamamasdan Ang masayang halamanan, yaong magandang tahanan, Na sa aki'y inilaan!
Parati akong kaakbay Ng dakilang Manunubos, Siya ang aking patnubay Sa langit ng tuwa't lugod.
Ang mga bulaklak doon Ay pawang di nalalanta't Napakabango ang simoy Sa bayang yaong maganda.
Ang awit ay matatamis At tunay na maalindog, Ang buong hukbo ng langit Kasama ng nangatubos.